LP #11: Kalayaan
Sabi ng mga titik ng isang kanta:
Ibon man may layang lumipad; Kulungin mo at umiiyak
Kabaligtaran marahil ng makukulay nilang balahibo ang tunay na nararamdaman ng mga ibong ito. Sila nga kaya’y umiiyak gawa ng kawalan nila ng kalayaan?



Tayo man minsa’y nakakaramdam na para tayong nakapiit. At ang ating piita’y walang iba kundi ang mga suliraning ating hinaharap sa araw-araw o ano pa mang bagay na nagdadala sa atin ng kalungkutan. Ngunit nasa atin mismo ang kakayahang lumaya. Tayo ang may hawak ng susi patungo sa ating sariling kalayaan. Naniniwala akong hindi natin kailangang magpabilanggo sa mga suliranin dahil lalo lamang tayong daranas ng matinding kalungkutan. Kaya magpasya ka. Oo, ikaw, kung saan mo nais manatili. Ako, sa laya ako siyempre! Ikaw na rin, at mas nakakalungkot pa kung walang dadalaw sa ‘yo sa bilangguang pinagkulungan mo sa iyong sarili. Dito na lang tayo sa labas. ;)
May isa pa akong lahok para sa LP DITO. Maligayang Huwebes sa inyo.
16 comments





