Ito ang aking kauna-unahang entry para sa Litratong Pinoy. Sa dami ng mga larawang aking naipon nitong mga nakaraang taon, napagkita kong may ilang akma sa tema ng LP para sa linggong ito, “Ako ay bilog.” Kaya minabuti ko na lamang na gawan sila ng isang maigsing kuwento.
Hindi niyo naitatanong, ako’y may natatagong kakayahang masilip ang hinaharap. At bilang regalo sa iyong bumabasa nito sa kasalukuyan, susubukan kong silipin ang magaganap sa iyong buhay sa malapit na hinaharap. (Exciting, diba?) Ngunit bago ang lahat, hayaan mo munang ako’y makapagsuot ng angkop na pananamit para sa aktibidad na ito…
![]()
Ngayong ako’y nakagayak na, sisimulan ko na ang pagsilip sa aking bolang kristal…”Perlas na bilog, huwag kang tutulog tulog. Sabihin ngayon din sa akin ang sagot.” (Kung nanonood kayo ng Batibot noon, kilala niyo kung sino ang nagsasabi niyan. Hahaha!)
![]()
Aba! Ikaw ba’y may iniirog? Kung wala pa ma’y batid ko ang nalalapit na pagdating ng iyong makakapareha. Nasisilip ko ang pagdaraos ng isang kasalan!
![]()
At ano ito?! Salapi (Well, barya pero pera pa rin yun!)! Nakikita ko ang iyong lalo pang pagyaman!
![]()
Ayan, ako’y nakasisigurong narinig mo na ang iyong nais marinig (dalawa lang naman yun sabi ng mga manghuhula…ang makahanap ng kabiyak o ang yumaman…o pareho!). ;) Mangyari lamang na magiwan ng donasyon sa aking mga alaga bago magpatuloy sa pamamasyal sa cyberspace (iyun ay ang pagbabloghop). ![]()
![]()
ps: Dahil hindi pa naman ako tuluyang nababaliw at hindi naman ako nagsusulat ng mga bayarang patalastas sa website na ito, napagdesisyunan kong huwag na isalin sa wikang Ingles ang entry na ito. ![]()
May isa pa akong entry dito. Diyan meron nang pagsalin sa wikang Ingles. ![]()


Fish Sarciado
Egg Pie
