By CD, I mean “compliment in disguise”. It’s no secret that I have two other blog sites, Mapped Memories (a photo blog) and Cafe Munchkin (a food blog). Those of you who have been to these sites on a rather regular basis may have noticed by now that I regularly join a weekly photo meme called Wordless Wednesday (among others). One of my most avid readers is my beloved Mommy. :) But she doesn’t visit those two other sites as religiously as she does this one. And while we were chatting last Wednesday, she mentioned that she visited my two other sites. One thing you should know about my Mom is that she is very, uhm, honest. She’s very generous with praises and when she doesn’t like something, she’ll either just keep mum about it or she’ll tell you outright. Oh, why don’t I just let you eavesdrop on our conversation (via chat). The blog entry we’re talking about here is Water Riders at San Antonio Sea World. It’s just too bad you won’t be able to see the emoticons we used in our conversation, but I’ve included the emoticon shortcuts just in case you’re familiar with them…
Mommy Emy: tiningnan ko kanina yung ibang links mo munchkin cafe at photo ekek
Weng: hahaha. puro pictures lang yun.Mommy Emy: nakatuwaan ko lang tingnan
Weng: photo ekek =)) (rolling on the floor laughing)
Weng: kunyari magaling ako kumuha ng litrato.Mommy Emy: yung latest mo, di ko gusto kasi alam ko hindi mo kuha yun
Weng: alin? wala akong pinopost na hindi ko kuha.
Weng: akin lahat ang pictures na yun.
Weng: yung “water riders” sa seaworld yun.
Mommy Emy: ah ganun ba, di kasi kapanipaniwala yung kuha. :”> (blushing)
Weng: hahaha. totoo yung mga kuhang iyon! akin yun! bakit naman ako magpopost ng pictures na hindi ko kuha! :)) (lol)
Mommy Emy: ang ganda nung mga kuha!
Weng: ngayon maganda bigla! :)) (lol)
Weng: nkakatawa ka tlaga.
Mommy Emy: maganda nga kasi kaya akala ko hindi ikaw ang kumuha, parang galing sa magazines
Weng: hahaha! salamat!
Mommy Emy: saka hindi kasi kilala yung mga characters
Weng: hindi nga. mga surfers yun. idadagdag ko yung sea world sa title.
Mommy Emy: dapat nga siguro nalagay mo yung sea world
Weng: gagawin ko na ngayon.
My Mom just cracks me up sometimes. Hee hee! That was actually one of the greatest compliments I got as a wannabe photographer. Nyahaha!
oOo
Para naman sa bahaging LP ng aking panulat…
Nais kong ipaalam sa inyo na sa darating na Huwebes, ika-3 ng Abril ay magsisimula ang pinakabagong lingguhang palaro, isang photo meme, ang Litratong Pinoy (LP). Ito’y magaganap tuwing Huwebes at ang malaking pinagkaiba nito sa mga photo meme sa kasalukuyan ay ginawa ito para sa mga Pinoy at mga banyagang marunong ng wikang Pilipino (Tagalog). Ang nilalaman ng mga lahok (entries) ay kinakailangang nasusulat rin sa wikang Pilipino. Ang panuntunang ito ay hindi sana maging hadlang sa inyong pagsali. Hindi naman po kinakailangan ang malapambalagtasang panulat. (Huwag niyo akong gayahin. Likas lang akong, ah, maarte! Nyahahaha!) Ngunit hindi rin namang masama ang ilabas ang inyong galing sa paggamit ng ating inang wika. Aking paniniwalang maganda’t romantiko ang Tagalog lalo na kung magagamit ng tama. Maaari naman ding paghaluin ang Tagalog at Ingles (Tagles). Kaya don’t be takot to sali because you can halo naman your English and Tagalog. (Eeeew! ) Matatagpuan ang kabuuan ng mga panuntuna’t mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagsali dito. Nakalista na rin sa website ang mga tema para sa susunod na apat na buwan. Para sa unang araw ng LP, ang tema ay “bilog”. ![]()
Kaya tayo nang sumali! Ako’y nakakasigurong ito’y magiging masaya at isa na ring magandang pagkakataon upang makapagsanay na muli sa pagsasalita sa wikang Pilipino. Magkikita tayo sa LP sa darating na Huwebes. ![]()
Mabuhay at hangad ko ang maligayang Sabado’t Linggo para sa ating lahat. Patnubayan kayo ng Diyos! ![]()

Shrimp Salad
Banana Pudding

